Pacquiao sa komento ni Digong sa Panginoon: Iba-iba ang paniniwala natin




MANILA, Philippines – Walang kinampihan si Sen. Manny “Pacman” Pacquiao sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Panginoon.


Ayon sa Report ng ABS-CBN,  inamin nitong hindi siya updated sa mga balita sa social media,

"Hindi ako masyadong na-update sa mga balita sa social media. Narinig ko lang na may statement siya pero hindi ko pa nababasa,"pahayag ni Senador Manny Pacquiao na kilala sa pagiging Born-again Christian.

 

Dagdag pa nito, iba-iba umano ang paniniwala ng bawat pilipino kung kaya't nararapat raw na irespeto ang paniniwala ng bawat isa.

“Dito sa atin, iba-iba ang paniniwala natin. Nirerespeto natin ang bawat isa, ang bawat paniniwala. At kung anuman ‘yung malalim na dahilan ay hindi natin alam, kaya hindi tayo puwede magbigay ng comment,” pahayag ni Pacquiao.
Inuulan ngayon ng pambabatikos ang ating pangulo dahil sa kontrobersiyang ito. Ilang senador tulad nina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Sen. Risa Hontiveros ang nagbigay ng kanilang pahayag sa pagtawag ng pangulo sa panginoon bilang “bobo.”
Nagsalita narin ang anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio hinggil sa umano’y pambabatikos na ginawa ng kanyang ama.
“Do not waste your negative energy on his interpretation of the bible, that is his opinion. He is protected by the Constitutional right to freedom of speech and expression even if he is President,” ani Duterte-Carpio.
Kilala si Pacquiao bilang pulitiko na tagasunod ng panginoon, madalas niyang isama ang kanyang pamilya sa pag-aaral ng Bibliya at pagpunta sa mga misa.

Post a Comment